Saturday, March 6, 2010

politics

Gibo at Gloria; Noynoy at ang kanyang mga magulang;

bakit ko pinagsama-sama yang mga pangalan na 'yan?

kasi madalas si Gibo at GMA, pinagkukumpara..pareho lang daw yang kurakot..
si Gibo kasi nasa panig ng administrasyon kaya ang majority, iniisip nila eh katulad siya ni Gloria..'yung ginawa ni Gloria eh gagawin din daw niya sa bayan...

hinding hindi talaga ako agree diyan... HELLO! hindi porket pareho silang administrasyon eh pareho na rin sila ng gagawin... i-apply natin yung natutunan ko sa psychology class namin: "The Principle of Variation", ang sabi diyan, hindi pare-pareho ang lahat ng tao, maski kambal man sila o hindi..oh di ba? kahit kambal magkaiba na sila.. iba ang perspective sa buhay, iba ang ugali at iba ang ginagawa nila...

AT i-apply din natin 'to sa sitwasyon ni Noynoy...hindi naman sa nanlalait o kung ano man, eto lang kasi yung nakikita ko at yung opinyon ko kaya no offense lang... hindi kasi porket magulang niya si Cory at Ninoy eh ganun na rin yung gagawin niya 'di ba? Mga 95% sure ako ng iba talaga yung gagawin niya... Sa nakikita ko noong senador pa siya, para siyang "dead kid" kasi hindi ko man lang naramdaman ang presence niya sa senado...Kung meron man, "saling pusa" lang siya sa pagpapasa ng mga Bills na ipinapasa ng iba pang senador.. tapos ngayon magsasabi siya ng hindi siya magnanakaw?



Oo sige. hindi nga siya magnanakaw..pero hindi naman ibig sabihin noon eh uunlad na yung Pilipinas... 'di ba? kung wala naman siyang gagawing pagbabago, eh para san pa yung hindi siya magnanakaw? at isa pa, hindi nga siya magnanakaw PERO mas marami pa ring officials ang magnanakaw at magnanakaw.. hindi talaga mapipigilan yang draft and corruption na buwisit na yan! pero at least, hindi pa rin siya magnanakaw...


Sariling sikap. Sa totoo lang, sumikat lang naman talaga si Noynoy dahil sa magulang niya eh... Kung tutuusin, si Kris Aquino lang dapat yung sikat kasi yung nagawa niya at yung influence niya sa media... Dala kasi niya yung apilyedo nila eh kaya siyempre, iisipin ng mga tao ganun na rin yung magagawa niya sa bayan... mga Pilipino talaga ganun mag-isip(o baka lahat ng tao?)
konting isip naman..kaya hindi ako naniniwala sa "kung ano ang puno,siya rin ang bunga".. hindi ko nilalahat 'yan ah...

Sa totoo nga lang, mas gusto ko talaga si Marcos kaysa kay Cory..PERO pagdating sa 'faith', cory talaga ako... At bakit gusto ko si Marcos?

Kasi kahit sabihin niyong kurakot siya(o hindi), napataas talaga niya yung estado bansa natin. pati yung ekonomiya.. Oo hindi ko nga naramdaman yung paghihirap ng mga tao noong panahon niya dahil hindi pa ako nabubuhay ng mga panahon na 'yun pero tingnan natin ah, marami siyang nagawa sa bansa natin kahit ganun siya..parang Gibo lang din yan, GALING at TALINO. tama?

Anu-ano nga ba ang mga nagawa niya sa bansa natin?

'Yung mga pag-aaspalto ng mga kalsada, yung NLEX na project niya, yung P1=$1 (eto talaga yung pinakamaganda sa mga nagawa niya eh), at marami pa.

sabi nga nga isa kong kaibigan, "madaling madala ng mga salitang walang LAMAN, wala rin kasing laman ang utak(yung mga nakikinig) " .. lalu na yung mga napapanood, nababasa at napakikinggan sa media..kaya nga sikat na sikat na ngayon si villar dahil sa mga political ads niya..sinu-sino na kaya ang mga naniniwala sa kanya? (no offense ulit)

Naalala ko 'yung pinanood na documentary sa Theology class namin kanina, tungkol sa "gutom".. yung "nutri-ban" ni Marcos, "soy milk" ni cory, "bigas" ni gloria.. at "NOODLES at SITSIRYA"....ni erap?! anak ng teteng! maski elementary eh alam na nila na masama at walang nutrisyon na makukuha sa junk foods eh! ano ba naman yun! eh kung siya kaya yung pakainin ng noodles at junk foods para panawid gutom? doon pa lang eh halata na yung intensyon niya na magnakaw eh..tipirin ba naman yung mga mahihirap na nagugutom?

"para sa ikabubuti ng bayan, disiplina ang kailangan" --sabi yan ni Marcos.
tama nga naman.. naniniwala ako na sa disiplina magsisimula ang lahat ng mabuting pagbabago.. mag-isip sana tayo.


P.S

Sa huling pagkakataon, NO OFFENSE ULIT :)
salamat sa pagbasa :P


No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.