Wednesday, June 2, 2010

isang nakakatawang paglalakbay :))

ilalagay ko pa naman sanang date eh MAY! ahaha :)) ang bilis nga naman ng araw oh..june na pala at enrollment na namin bukas! :DDD

anyway, nagpunta kami ni mama kanina sa OB kanina..at eto ang adventure ko =))

sumabay ako kay papa papuntang office para tipid sa pamasahe..pagkatapos, bumaba ako sa AFSLAI side ng Camp Aguinaldo kasi doon malapit yung MRT station(Santolan-Annapolis).

mahaba-haba rin ang nilakad ko ah..pati inakyat! hahaha :))

hindi lang yun noh? 'di gaano karami ang tao sa mismong station, PERO ang mga tao sa loob ng train..BLOCKBUSTER!! grabe! ang dami talaga! as in! naalala ko noong nag-entrance exam ako sa Mapua-makati, ganoon din yung nangyari sa akin. buti nga hindi ako na-late sa entrance test eh :P

so ayun, sa sobrang siksikan, sa 7th or 8th train na yata ako nakasakay..AT SIKSIKAN pa rin sa lagay na yun ah..dumiskarte na lang ako noon kasi baka ma-late kami sa appointment namin sa OB..hahaha! grabe, naalala ko nung nakasakay na ako, may mataba sa labas ng train, ipinipilit ang sarili niya sa train! ahahaha! bale, naPIPI ako sa loob! wowowee lamang :))

nako, pano pa kaya kung sa mapua talaga ako nag-aral..edi SUPER DUPER LATE na ako palagi? eh sa ust pa nga lang eh palagi na akong late! AYYY!!! =)))

at na-realize ko rin yung mga sumasakay sa mrt tuwing umaga, grabe ang DAGOK na papasukin nila..tsk3..pero may alternative pa naman eh: BUS...eh yung sitwasyon ko kasi eh hindi ko alam kung saan ako bababa kapag nag-bus ako :P

pagdating ko sa buendia, nakalimutan ko na kung saan pala ako lalabas!! ahahaha! sabi ko na lang sa sarili ko, "bahala na, kaya ko 'to! hahahaha"

buti naman paglabas ko ng station, naalala ko na yung dinaanan namin..whew..at nakarating din sa Mapua para sunduin si mother dear :))

namimroblema ako pagdating ko kasi baka harangin ako ng guard pagkatapos hindi pa ako papasukin..naku 'pag ganun, patay-patay na wala pa naman yung cellphone ko!! hahaha :))

pero buti hindi ganun ang nangyari.HAHAHA! edi dire-diretso lang ako papasok :)) buti na lang may kuyang sinita ng guard bago ako kaya nakalusot :PPP

Thursday, May 27, 2010

First Love?

napag-isip isip ko lang naman..
ang FIRST LOVE ba eh kailangan naging kayo?
o kaya nanligaw siya or what?
haha! kasi naisip ko to noong nakita ko yung advice ko dun sa application ko sa FB:

The magic of first true love is as painful when it´s over. But the sweetest part of it is when you you learn, to cry, to let go, to be strong and to be wise. And when you love again, you´ll know how to keep it, this time, longer or even forever.

Saturday, May 22, 2010

minsan ang sarap magsulat
pero wala ka namang panulat

kapag naman may panulat ka na
saka naman mawawala ang mga gusto mong maisulat

bakit kaya ganun?

Tuesday, May 18, 2010

inspired

i was inspired by this friend to write...
haha!
so i'll try to write! :)

Saturday, May 1, 2010

choose WISELY

surveys are not 100% accurate...
1000+ na respondents?!?!

HELLOOOOO!!! ilan ba ang mga taong boboto sa May 10?!
--Sino-sino ba sila? baka magkakakilala sila diba?
--ANONG PROOF nila na botante ang kinuhanan nila ng survey?
--ano din ang proof nila na TOTOO yung mga sagot ng kinuhanan nila ng survey?

ISIP-ISIP naman people!!

hindi porket si GANYAN* ay lamang na kay ANO* sa "SURVEY", eh dun ka na sa isa para HINDI MADAGDAGAN ang boto nung isa..HINDI TAMA YUN!! maling-maling mali talaga..sa totoo nga lang, para sa akin, ang dapat na naglalaban ay ETO* at si IYAN*...

dapat iboto niyo kung sino ang gusto niyo..hindi dahil nakita niya si ANO* sa personal eh iboboto na niya..at hindi rin dahil sa pinag-aral niya si ganyan eh iboboto na niya..hindi tama yun? bakit? isa kasi yung malaking UTANG NA LOOB..yun para sa aking yung mali sa mga Pilipino eh..hindi dahil dun eh mapapaunlad na niya ang Pilipinas dahil dun sa napag-aral ka niya..paraan lang yun ng vote buying eh..at saka dapat maging REASONABLE ang pagpili natin ng candidate, hindi porket pinalaki siya ng maganda at kilalang pamilya eh maganda na ang maidudulot niya..tingnan mo kung ano-anong nagawa niya, mga plataporma. hindi puro SALITANG WALANG LAMAN..