Thursday, April 14, 2011

Jan-Jan Issue

I saw these video clips on Youtube:

Ikaw ba sa tingin mo, insabuso si Jan-jan?

Kailan pa 'to? March 12, 2011?

Ang tagal na rin pala. Nakakaumay na sa tuwing pinapalabas sa tv namin yung balita tungkol sa "child-abuse" umano ni Willie kay Jan-jan. Ano ba talagang nangyari?

Kung papanoorin mong mabuti yung video, kitang-kita naman na yun talaga yung talent na ipapakita ng bata dun sa talent portion ng segment ni Willie, yung macho dancing. Para sakin, obvious naman na voluntary yung ginawa ni Jan-jan. Ewan ko ba kung bakit pinapatulan nila yung ganitong isyu. Nakikita ko rin sa video na yung tita ng bata, hindi nagulat, ibig sabihin, alam niya na yun talaga yung talent na ipapakita ni Jan-jan, natutuwa pa nga eh. Tapos yung audience, kitang-kita naman na natutuwa rin sila habang pinapanood nila yung bata na sumasayaw. Alin dun sa tingin mo yung parte na inaapi yung bata?

Macho danching tapos ginagawa pa ng bata? Mga hindi open-minded ang tingin ko sa kanila kung iisipin nila na masama ito.Siguro sasabihin ng mga taong yun, hindi nabantayan nang mabuti ng mga magulang o kaya naman napabayaan ng magulang yung bata kasi nga naman maduming sayaw yung ginagawa.Hindi naman naghubad yung bata habang sumasayaw, nakabihis naman siya nang maayos, wala naman akong nakikitang problema. Tignan niyo yung ibang tv networks, tignan niyo kung paano manamit yung iba nilang dancers.

Umiiyak daw si Jan-jan habang sumasayaw. Ang sabi nila, pinilit daw siyang sumayaw ng macho dance, etc.
Ang tanong, alam ba ng inosenteng si Jan-jan na masama o kay anaman ang pangit makita ang bata na sumasayaw ang macho dance? Panoorin mo nga ulit yung video, nung nagpapasalamat si Jan-jan sa tita niya pati sa tatay niya, dun na siya nagsimulang maging emotional, tinanong pa nga ni Willie: "bat' ka naiiyak?"



Eh ang kasunod nun, yung talent portion na, siyempre naiiyak pa siya habang ginagawa niya yung talent niya, malamang lamang hindi siya magiging masaya kaagad nun (kumbaga, nadala niya yung emotions niya habang sumasayaw siya). Ikaw tatanugin kita, kapag ikaw eh naging emotional, bigla-bigla ka na lang bang magiging masaya? Ako nga hirap na hirap gawin yun eh. Sabi ng iba: "It is against the child's will..." chechebureche. Eh nung pinapatugtog nga yung kanta, automatic na sumasayaw si Jan-jan eh.

Naaawa ako sa mga magulang ng bata. Sigurado nahihiya rin sila kasi sa nangyaring issue kay Jan-jan. May mga nagsasabi siguro na "ay mga magulang nito, walang kuwenta kung anu-anong itinuturo sa bata, walang ka-muwang muwang yung bata eh."

Yung privacy din nila hindi na nirerespeto eh. Yung psychologist daw, gumawa ng pre-mature conclusion bago i-examine yung bata. Wow ah, special treatment ba ito? may ganito pang nalalaman kay Jan-jan ah. Paano yung mga ibang batang talagang nangangailangan ng service ng isang psychologist? (hindi ko sinasabing hindi rin kailangan ng bata yun, meron lang talagang MAS nangangailangan at sa tingin ko, masyado nilang fino-focus lahat dun sa nangyari umanong child abuse. Nabasa ko yung article sa yahoo.

Tapos ngayon naman, nakikita ko yung DOLE at DepEd na nakikisama sa issue. Hello? child abuse to, bakit may kasamang DOLE at DepEd? bakit, may nagaganap bang child labor dito? May guro bang umaabuso sa karapatan ni Jan-jan?

Tignan niyo, nag-iisang bata 'to na sinasabi nilang inaabuso. Eh napakaraming bata diyan sa tabi-tabi na inaabuso ng mga magulang nila. Hindi ko maintindihan, bakit kaya nila ginagawa itong sobrang big deal? Kasi related ba ito sa isang sikat ng personalidad? Hindi natin alam.

Ang ayoko lang kay Willie na ginawa niya after ng issue, eh kung sinu-sino nang celebrities ang tinitira niya nang personalan, ang pangit lang tignan. 

2 comments:

  1. :)) nakakatuwa naman ang iyong blog :) Pareho tayo ng punto. At natawa ako dun sa sinabi mo na "bakit, may nagaganap bang child labor dito? May guro bang umaabuso sa karapatan ni Jan-jan?"

    ReplyDelete

Note: Only a member of this blog may post a comment.