Sunday, February 6, 2011

ano kayang feeling?

ano kayang feeling ng isang college student sa US?
may nakita kasi akong pictures ng schoolmate ko nung high school sa Cal State San Bernardino...

ayun, napaisip ako, ano kayang feeling?
tinignan ko kasi sa google maps kung nasaan yun.tapos nakita ko, kahit pala nasa California yun na malapit na sa dagat, ang layo pa rin nung university na yun...ibig sabihin, ang laki laki pala ng amerika! :D

hinanap ko rin kung nasaan nakatira yung mga kamag-anak namin sa US, nakita ko malapit pala sila sa Beach.wala lang! :D ang sarap siguro nun

ang layo din pala sa kanila ng Beverly Hills, gusto ko rin makapunta dun! :)

ang sarap sarap tuloy mag-explore sa iba't-ibang bansa! tignan mo oh, 18 years na akong nabubuhay dito sa PIlipinas, yung pinakamalayo ko nang napuntahan eh hanggang Boracay lang...

tapos nag-search pa ako ng iba't iba pang mga universities. marami akong nakita, pero yugn tinignan ko, yung mga private universities (wala lang, ewan ko rin kung bakit, pero na-curious din ako, kasi gusto kong malaman kung ano ano ba yung parang mga Ateneo, UP, La Salle, UST, etc. nila doon, kumbaga yung may mga high standards) :D

eto yung mg nakita ko(based on answers.com):

Harvard University (harvard.edu)
Princeton University (princeton.edu)
Yale University (yale.edu)
California Institute of Technology (caltech.edu)
Massachusetts Institute of Technology (mit.edu)
University of Chicago (uchicago.ecu)
Duke University (duke.edu)
University of Pennsylvania (upenn.edu)
Columbia University (columbia.edu)
Cornell University (cornell.edu)
Dartmouth College (dartmouth.edu)

siyempre tinignan ko agad yung princeton :) [kasi yan yung gustong puntahan ni Sam na university sa Cinderella Story,haha!]

tapos nakita ko yung map ng Princeton(sa NJ pala to)..ang laki laki laki laki lang!!! :D
kung ikukupara mo sa UST at UP, walang wala! :))
naiimagine ko yung sarili ko na nag-aaral ako dun, grabe! ang laki talaga, ang daming field, ang daming
building, ang lawak! tapos maglalaro ako ng football dun, walang kaagaw sa field aksi ang dami, ang daming choices ng sports! ang ganda talga :D

nakakainggit lang sa mga nag-aaral dun! promise :))
naalala ko tuloy yung sinabi ni ma'am cabral samin nun:
"many people would kill for your place(yung inuupuan daw namin ngayon, na masuwerte daw kami kasi UST kami)"

ganun yung nararamdaman ko sa mga nag-aaral sa magagandang universities, parang yan, yung Princeton :D
hay.ang sarap lang..siguro kung ganito yung school ko, gaganahan siguro akong mag-aral!
siguro kung may mga nagloloko pa diyan, nakakapanhinayang lang SOBRA!!! alam mo yun? yung gusto mo rin maranasang makapag-aral dun, pero malabo! kasi andito tayo sa Pilipinas, kulang sa pera, eh sila, andiyan na nga oh, then make the most out of it! diba??

haaay! ang sarap mangarap, tapos may kotse ka, maraming friends, walang financial problems, magagandang facilities, diba? almost perfect ika nga nila...


yung sunod kong tinignan, Dartmouth University(na nasa Hanover, NH pala). bakit? dahil kay Nate Archibald ng Gossip Girl pati si Edward Cullen.haha!

wala akong masyadong na explore sa site nila eh...

yung sunod, Yale University(New Haven, Connecticut(CT) naman, naalala ko dahil sa Gossip Girl ulit..tapos sa chasing Liberty yata? :D

eto hindi ako makapaniwala, ang KONTI ng tao sa yale!! ewan ko! kung ikukumpara sa kasi sa USTe, 45000 nga daw freshmen pa lang eh!! eh yung yale:

Yale University in brief

Undergraduate students*5,242
Graduate and professional students*6,318
International students*1,910
Faculty*3,695
Staff*9,267
International scholars*1,970
Living alumni167,350
Library holdings12.7 million volumes
Varsity athletic teams35
Total number of buildings439
Endowment$16.1 billion
Operating budget*$2.49 billion


*Figures for the 2009–2010 academic year
grabe di lang ako makapaniwala.
napa-wow din ako sa facilities nila...ang ganda!
gusto ko kasi yung may pagka luma, classic(o kung ano mang tawag dun) yung style..may tawag dun eh...parang Renaissance, ewan! hahaha :))



at mag re-research pa ako dun sa ibang schools! :D



No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.