Wednesday, June 2, 2010

isang nakakatawang paglalakbay :))

ilalagay ko pa naman sanang date eh MAY! ahaha :)) ang bilis nga naman ng araw oh..june na pala at enrollment na namin bukas! :DDD

anyway, nagpunta kami ni mama kanina sa OB kanina..at eto ang adventure ko =))

sumabay ako kay papa papuntang office para tipid sa pamasahe..pagkatapos, bumaba ako sa AFSLAI side ng Camp Aguinaldo kasi doon malapit yung MRT station(Santolan-Annapolis).

mahaba-haba rin ang nilakad ko ah..pati inakyat! hahaha :))

hindi lang yun noh? 'di gaano karami ang tao sa mismong station, PERO ang mga tao sa loob ng train..BLOCKBUSTER!! grabe! ang dami talaga! as in! naalala ko noong nag-entrance exam ako sa Mapua-makati, ganoon din yung nangyari sa akin. buti nga hindi ako na-late sa entrance test eh :P

so ayun, sa sobrang siksikan, sa 7th or 8th train na yata ako nakasakay..AT SIKSIKAN pa rin sa lagay na yun ah..dumiskarte na lang ako noon kasi baka ma-late kami sa appointment namin sa OB..hahaha! grabe, naalala ko nung nakasakay na ako, may mataba sa labas ng train, ipinipilit ang sarili niya sa train! ahahaha! bale, naPIPI ako sa loob! wowowee lamang :))

nako, pano pa kaya kung sa mapua talaga ako nag-aral..edi SUPER DUPER LATE na ako palagi? eh sa ust pa nga lang eh palagi na akong late! AYYY!!! =)))

at na-realize ko rin yung mga sumasakay sa mrt tuwing umaga, grabe ang DAGOK na papasukin nila..tsk3..pero may alternative pa naman eh: BUS...eh yung sitwasyon ko kasi eh hindi ko alam kung saan ako bababa kapag nag-bus ako :P

pagdating ko sa buendia, nakalimutan ko na kung saan pala ako lalabas!! ahahaha! sabi ko na lang sa sarili ko, "bahala na, kaya ko 'to! hahahaha"

buti naman paglabas ko ng station, naalala ko na yung dinaanan namin..whew..at nakarating din sa Mapua para sunduin si mother dear :))

namimroblema ako pagdating ko kasi baka harangin ako ng guard pagkatapos hindi pa ako papasukin..naku 'pag ganun, patay-patay na wala pa naman yung cellphone ko!! hahaha :))

pero buti hindi ganun ang nangyari.HAHAHA! edi dire-diretso lang ako papasok :)) buti na lang may kuyang sinita ng guard bago ako kaya nakalusot :PPP



pagkapasok ko, kinabahan ako...grabe! pano ba naman!!! halos lahat ata ng dinaanan ko eh nakatingin sa akin.AMP! may tae ba ako sa mukha???? katulad ko ba yung babae kanina sa mrt na overdressed???(pano kasi yung babae kanina sa mrt na-OVER ata sa pagka fashionista..naka scarf pa ang lola mo! ahahaha! at hindi lang yun, naka boots at long sleeve blouse pa! hahhaa..)

pero in fairness, ang dami talagang guwapo sa mapua kahit nung nag-entrance ako eh ang dami ko agad crush sa mga ka-BATCH ko pa lang na nag-exam yun ah.HAHAHAHA! sayang nga naman hindi ako nag-aral doon at may 40% discount pa ako sa tuition..di bale, ust naman..ahihihi :PPP

so ayun, pagdating ko sa office nila mama, WALA SIYA! woooooow..anong gagawin ko :)))

buti nalang na-contact nila si mama..tinawagan ko pa sa grepalife si mama nagkunwari pa akong kung sinong tao.AHAHAHA! kakahiya :)))

so ayun, nagkita kami ni mama sa rcbc plaza..tapos nagpacheck-up na kami sa ob-gyne..ang sabi sa akin eh magpapa transrectal ultrsound daw ako..HAHAHA!

OK transRECTAL ultasound..ibig sabihin sa RECTUM!!! sa pwet!!! ahahahahahaha =))) :|

yuck.ay! pati dito sinabi eh.HAHAHA!

taeng yan, parang di ko alam kung matatawa ako o mahihiya eh(pwede bang both?)

so ayun, kumain muna kami sa loob ng plaza..picture-picture! ahahaha :))

tapos pag-uwi namin, nakita ko si K** P______ sa gateway! ahaahaha :))

akala ko nakita na niya ako eh.haha! pumitik pa ako sa harap niya para mapansin ako, naglalaro kasi ng psp ang gaga :))

grabe lang ah :)) super dry na ang kanyang buhok(parang araw-araw ang pag-pplantsa ng buhok niya.tsk) at hindi rin halatang lumadlad na siya..(o baka kasi ganun na talaga siya noong high school at hindi lang niya sinasabi?hahaha! ang sama ko!)

at doon nagtatapos ang paglalakbay ko! =)))

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.