Sunday, April 4, 2010

paki basa lamang po :)


Marso 31, 2010
Minamahal kong Kababayan,



Humihingi po kami ng paumanhin sa aming pamamaraan ng pagkampanya para sa aming kandidato. Dahil pos a kakulangan sa mga campaign material at pangbayad sa mga volunteers, hindi po naming kinayang sabayan ang paggastos ng pagkalaki-laki para lamang mangampanya.


Ito pong simpleng liham na ito ay nagmula sa puso naming mga volunteers ni Gilbert “Gibo” Teodoro na tumatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas. Kami po ay naniniwala na sa mga nakaraang araw ng pagkampanya ng mga kandidato natin para sa pagkapangulo sa telebisyon at media ay nakilala na natin ang kakaibang Galing at Talino ni Gibo Teodoro.


Talaga pong maganda ang kanyang “track record” base sa kanyang pinag-aralan at pati na din sa serbisyo publiko. May malinaw na plataporma at solusyon sa mga problema.



Bukod diyan, kapansin-pansin din na SI GIBO LANG ANG HINDI NANINIRA NG KAPWA KANDIDATO. Ito ay isang katangian na aming nagustuhan sa kanya.


Huwag po sana nating pagbasehan ang apilyedo, mga celebrity endorsement at mga pangakong paulit ulit na susugpuin ang kahirapan at korupsyon. Alam na po natin na ang mga solusyon sa ganitong problema ay magsisimula sa ating sariling pagsisikap at pagmamalasakit.


Sana po sa May 10, 2010, ang tinakdang araw ng halalan, ay huwag natin palalampasin ang pagkakataon na magkaroon tayo ng isang lider para sa ating bayan na may Galing at Talino.
Sa atin po magsisimula ang tunay na PAGBABAGO.



Maraming Salamat Po,
Nagmamahal na Kababayan



**Nakikiusap din po kami na kung kayo ay sumosuporta kay Gilbert “Gibo” Teodoro ay kung maari lamang po na ipamigay ang liham na ito sa inyo mga kaibigan at mga kakilala.

Ito ay bilang tulong sa ating kandidato. Maraming salamat po!


SULONG PILIPINAS!
Isang Pilipinas para sa lahat ng Pilipino!


-----------------------------------------------------------------------------

nakuha ko itong letter kanina lang eh.haha! pagkatapos ng mass, may nakita kaming nakaipit sa may bandang dashboard kaya ayun :) paki pasa na lang ha! thanks! :)

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.